Joke Pinas - Report Card ni Juan, Si Juan nagpabunot ng ngipin
Tatay: Patingin nga ng report card mo anak.
Juan: Hiniram po ng kaklase ko, tatakutin daw niya ang nanay niya.
***********
***********
Si Juan ay nasa isang clinic upang magpabunot ng ngipin:
Juan: Doc duwag ako magpabunot ng ngipin.
Doctor: No problem, heto and beer uminom ka.
Uminom si Juan ng tatlong boteng beer...
Doctor: Oh, matapang ka na ba?
Juan: Oo doc, kapag may gumalaw ng ngipin ko gugulpihin ko.
