Joke Pinas - Sana grumaduate ka na, Sana magkaroon ng maraming wish

Dear Anak,

Naipadala ko na 50,000 pangtuition mo. Pinagbili na namin yung kalabaw. Ang mahal pala DOTA na kurso! Wala na rin tayong mga baboy. Naipagbili na rin namin para dun sa sinsabi mong project, nokia N95 ba yun? Ang mahal naman ng project mo! Kasama na din dun 7,000 para sa field trip niyo sa Mall of Asia. Malayo ba yun, bakit ang mahal? Isasanla pa namin palayan para mabili mo yung instrumentong iPod, laptop at PSP. Napailaw niyo na ba yung pinagpupuyatan niyong SanMig lights? Sana grumaduate ka na.

Love,
Tatay


*********



Juan: Pare, may pilik mata kang nalaglag oh, wish ka.

Pedro: Sana magkaroon ako ng madaming wishes.


Tshing! 


At biglang nalagas lahat ng pilik mata niya.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Popular Jokes

Recommended Jokes